CHRISTINME


joalipar:

Happy birthday mae! Welcome to the 20’s club. :)

.My big thank You @joalipar.tumblr.com

God is most glorified in us when we are most satisfied in him…

– (via yengconstantino) Via ako si Yeng...


If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer.

– Matthew 21:22 (NIV)

Para sa espesiyal na binibini na nagdiriwang na kanyang kaarawan,

Ito’y isang simple ngunit pinagisipang pagbati mula sa isang kaibigan…..

Naisip ko lang, meron na kayang nagbigay papuri sa pagiging Josephine ni Josephine? Kaya eto, sa natatangi mong kaarawan nais ko sana na ikaw ay aking mapapurihan sa lahat ng iyong nagawa at ginagawa kahit sa simpleng paraan lamang……

Si Josephine

Siya ay Kapatid, Anak, Guro, Kaibigan, Katrabaho at ano pa ba?

Ah! Prinsesa!

Kung makikilala mo siya, hindi mo maitatanggi na isa siyang kahanga-hangang tao. Kahanga-hanga siya pagdating sa pagiging kapatid at anak, dahil makikita mong ginagampanan niyang maigi ang kanyang mga responsibilidad ng walang pag-iimbot. Isa rin siyang mabuting kaibigan na makikitaan ng pagmamahal at malasakit. Marahil ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng Tamang relasyon sa ating Poong Maykapal.

Isa rin siyang maganda at may mabuting puso na Prinsesa!

Prinsesa sapagkat siya ay anak ng Hari ng mga hari. At nararapat lang na habulin(pursue) ng isang prinsipe.

Sa kaarawan mo na ito kaibigan, ang hiling o dasal ko lamang para sa iyo ay:

“Alin man ang iyong hingin,

Naway iyong makamtan.

Alin man ang iyong hanapin,

Naway iyong matagpuan.

Alin man ang iyong hilingin,

Naway ito’y matupad.”

At naniniwala ako na hindi ito imposible dahil ika nga ng Panginoon sa,

Mark 11:24 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.

Nawa’y napangiti kita dito sa munti kong handog para sa iyo kaibigan. Bagamat medyo kakaiba dahil sa pagkakasulat, sana ay nasiyahan ka parin.

Oh pano, tapusin ko na ah….^_^

Maligayang Kaarawan “Pining” http://joalipar.tumblr.com/ !!!!!!…….



14
To Tumblr, Love PixelUnion